diskriminasyon
Huwebes, Setyembre 12, 2019
DISKRIMINANSYON
Ang bawat tao ay may karapatan maging malaya sa diskriminasyon. Iba iba ang kasariian,antas at estado ng buhay ng bawat tao. Hindi ka dapat tratuhin nang naiiba dahil sa iyong lahi o ibang dahilan, tulad ng iyong mga ninuno, kulay, lugar na pinanggalingan, mamamayan, o paniniwala. Ito’y umaaplay sa mga sakop ng alituntunin tulad ng sa trabaho, sa eskwelahan, o sa mga serbisyo. Kabilang sa mga serbisyo. ito ang mga lugar tulad ng mga tindahan at mga mall, mga hotel, mga ospital, at iba
Naipapakita na rin ang diskriminasyon sa social media na kung saan mas apektado ang mga kabataan. Dahil ang mga kabataan ang may pinaka malakas na pag gamit ng teknolohiya.Bilang kabataan na nakaranas din ng ganitong pangyayari, dapat nang itigil ang diskriminasyon sa ating lipunan. Malaki ang nagiging epekto nito sa emosyonal ng bawat tao. Nagdudulot ito ng pagkawala ng self esteem ng isang tao. Nawawalan ng tiwala sa sarili dahil sa kakulangang kanyang pag ka tao. Isa pang epekto nito ay ang pagkakaroon ng galit sa kapwa. Dahil sa galit, nagdudulot ito para sa isang individwal na gumawa ng masama para paghigantihan ang nang husga sa kanya. Dapat nang itigil ang diskriminasyon upang matigil ang mga hindi magandang bagay.
wag sana nating maliitin ang ating kapwa dahil lamang sa antas ng pamumuhay o pisikal na itsura nito. tandaan na walang matutulong ang diskriminasyon sa ating lipunan. Bago mo husgahan ang isang tao at lait-laitin ito. Tignan mo muna ang sarili mo dahil tulad niya di ka rin perpekto.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)